Miyerkules, Pebrero 18, 2015

Mga Weeeeeeeeeeaaaaak silaaaaaa!!!

I hate weak people.
You know why?
Lakas kasing makahawa eh. Lakas makapagpaawa ng tao.
:-\ 




Once upon a time...

Or should i say, noong unang panahon, back when i was 1st year college, habang nag eexam ng isang subject (nakalimutan ko na kung ano yun, General Science ata?) bigla nalang ako nagsuka. Walang tigil talaga yun hanggang tumakbo na ako sa cr na nasa ground floor pa, (that time nasa 3rd floor ang room namin), punong puno na ng suka ang palda ko but wa ako paki. Sobrang nanghina na ako nun pero pinilit ko pa sarili ko na mag exam pa ng Writing in Discipline kasi nga midterm yun. Pero nganga. Pinapunta na ako sa clinic ng mga classmates ko, para na raw akong lantang gulay.

Kinabukasan, hindi na ako nakapasok. Hindi ako makakain, sinusuka kong lahat, gatas nga ayaw tanggapin ng tiyan ko. In short, wala talagang laman tiyan ko. Gusto na nga akong isugod sa East Ave kaso ayaw ko. Takot ako sa dextrose. :D

Pinacheck up na nila ako. And boom. HYPERACIDITY.

At dyan nagsimula ang isang malaking dagok sa buhay ko, 4 years ko na syang dinadala, ayaw paring gumaling dahil minsan makulit ako. Hahahaha. Sa nalilipasan parin ako ng gutom.

I'm weak person, sobra. Pag umaatake na itong sakit ko, nganga na. All of my strength disappear. Yung nakakainis kasi wala kang magawa. :'(

That's why i pretend or should i say, sinisikap kong maging strong. Ayoko ng kinakaawaan. Masakit sa akin yun. Pinapamukha lang kasi nila na hindi ko kaya ang mga simpleng bagay.

Kaya ayoko ng weak. Lakas makahawa eh. As much as possible, gusto kong maging malakas para sa kanila.

Kaso lang... Paano kapag ako na ang weak? Sino ang magiging malakas para sakin?


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento